pasensya!!!
Sunday, September 24th, 2006Pasensya…
Hay!
Hanngang saan ba ang pasensya ng isang tao?
Eh, kung ako ang tatanungin mo malamang masasabi ko na
napaka-pasensyosa ko talaga. Sus! Kasi kung hindi malamang, marami na ako binaril
na tao.. (since na bawal yun at makukulong ako, pinag-papasensyahan ko na
lang..!)pero kung minsan, kung wala na talaga at dala ng init ng ulo, sisigawan
ko na talaga.. minsan my kasamang sampal o suntok..tsk! tsk! Tsk!
Honestly, lately meron akong isang taong pinag-uukulan ng
maraming pasensya.. hindi ko alam kung anu na gagawin ko dahil alam ko,
malapit-lapit na talagang sumabog ang dibdib ko.. sa ngit-ngit. Dahil saan?
Maraming bagay at hindi ko na kailangan banggitin pa lahat… sabi ko nga “patience
is a virtue!”
..at alam ko, sinusubukan nya ang pasensya ko…aba! Sinabugan ako
ng Diyos ng isang toneladang pasensya pero mukhang sa kanya ata mauubos.
Nope! Sa isang banda, tingin ko hindi.. dahil ako the more na nacha-challenge
lalo lumalaban..! kaya matira ang matibay!!! Sa dami ng pinagdaanan ko at
nakasalamuha kong tao, masasabi ko na ang tapang ko pala. Hindi tulad ng ibang
tao sumusuko kagad…
Alam ko, sinusubukan lang talaga ko. Tignan natin.. tatagal ka
ba? Oras mo lang ngayon.. dadating din ang panahon ko… at lahat aayon sa mga
kamay ko.
Whahahahaha! Whahaha! Whahaha!